Written comprehension test (pasulat na iksamen para malaman ang antas ng pag-unawa)
Basahin ang teksto o tingnan ang image. Sagutin ang bawat tanong sa pamamagitan ng pag-click sa tamang opsyon.
May 3 o 4 na opsyon para sa bawat tanong.
Iisa lamang ang tamang sagot.
Maaari ninyong palitan ang inyong sagot basta’t hindi pa kayo nagkli-click sa “Suivant” (“Susunod”).
Mag-click sa “Suivant” para magpunta sa susunod na tanong.
Walang time limit para sagutin ang mga tanong.
Sagutin ang mga tanong nang walang tulong mula sa ibang tao, sa diksyonaryo, o sa isang translation tool.
Ang lahat ng mga tanong ay dapat sagutin. Sagutin ang lahat ng mga tanong sa abot ng inyong makakaya.
Paminsan-minsan ay maaaring may dalawa o tatlong tanong ang bawat teksto. Kung gayon ay sagutin ang lahat ng mga tanong.
Sa katapusan ay makakakuha kayo ng iskor batay sa Échelle québécoise des niveaux de compétence en français (iskala sa Québec para sa French proficiency levels – nakasulat sa Pranses lamang).
May 18 hanggang 22 tanong, depende sa inyong mga sagot.
Maraming salamat po!
Paunawa: Ang impormasyon na inilaan sa mga teksto at mga tanong na ito ay gagamitin para lamang maaseso kung gaano kayo kahusay sa Pranses. Ang ilang impormasyon ay maaaring hindi kompleto o maaaring hindi tumutugma sa katotohanan.