Logo de l’Université de MontréalLogo du Gouvernement du Québec

Oral comprehension test (pasalitang iksamen para malaman ang antas ng pag-unawa)

Makakarinig kayo ng audio message para sa bawat tanong.

May 3 o 4 na opsyon para sa bawat tanong.

Iisa lamang ang tamang sagot.

Dalawang beses ninyo maririnig ang message. Sagutin ang bawat tanong sa pamamagitan ng pag-click sa tamang choice. Maaari ninyong sagutin ang tanong pagkatapos ito pakinggan nang ikalawang beses.

Maaari ninyong palitan ang inyong sagot basta’t hindi pa kayo nagkli-click sa “Suivant” (“Susunod”).

Limang segundo makalipas ninyo marinig ang message nang dalawang beses, lalabas na ang susunod na tanong.

Sagutin ang mga tanong nang walang tulong mula sa ibang tao, sa diksyonaryo, o sa isang translation tool.

Ang lahat ng mga tanong ay dapat sagutin. Sagutin ang lahat ng mga tanong sa abot ng inyong makakaya.

Paminsan-minsan ay maaaring may dalawang tanong para sa isang audio message. Sa gayon ay sagutin ang dalawang tanong tungkol sa audio message na iyon.

Sa katapusan ay makakakuha kayo ng iskor batay sa Échelle québécoise des niveaux de compétence en français (iskala sa Québec para sa French proficiency levels – nakasulat sa Pranses lamang).

May 18 hanggang 22 tanong, depende sa inyong mga sagot.

Maraming salamat po!

Paunawa: Ang impormasyon na inilaan sa mga teksto at mga tanong na ito ay para lamang maaseso kung gaano kayo kahusay sa Pranses. Ang ilang impormasyon ay maaaring hindi kompleto o maaaring hindi tumutugma sa katotohanan.