Logo de l’Université de MontréalLogo du Gouvernement du Québec

Maligayang bati sa self-assessment para sa Pranses

Ang online self-assessment tool na ito ay para sa adults na ang unang wika ay hindi Pranses. Pahihintulutan kayo nitong mailagay sa isang klase para sa Pranses at makakatulong ito sa inyo na pumili ng isang serbisyo sa pag-aaral. Ito’y eksperimental na iniaalok nang libre ng Francisation Québec. Ang mga resulta ay batay sa Échelle québécoise des niveaux de compétence en français (iskala sa Québec para sa French proficiency levels – nakasulat sa Pranses lamang). Hindi sila mga opisyal na resulta na isasama sa aplikasyon para sa immigration o aplikasyon para makapasok sa isang pang-edukasyon na institusyon.

Ilang impormasyon tungkol sa self-assessment

  • Kapag kayo ay nagrehistro, hihilingin kayong magbigay ng personal na impormasyon. Ito’y gagamitin para lamang sa mga istatistikal na layunin. Hindi ito isisiwalat sa ibang mga indibidwal.
  • Ang katagalan ng bawat self-assessment ay nag-iiba-iba, depende sa kung gaano kayo kahusay sa Pranses. Ang bawat self-assessment ay binubuo ng 18 hanggang 22 tanong at ito’y aabutin ng 30 hanggang 55 minuto para makompleto.
  • Sa katapusan ay awtomatikong lilikha ng level ang self-assessment tool at ito’y lalabas sa inyong screen. I-download o i-print ang page para maitago ang inyong mga resulta. Hindi ito isisiwalat sa ibang mga indibidwal.
  • Bago kayo umalis sa site, mangyaring kumpletohin ang feedback survey.
  • Bumalik sa page na ito para kumpletohin ang natitirang self-assessment.